"Droga at salot sa lipunan". Yan ang madalas na mga linyang palagi kong naririnig pag may nahuling gumagamit ng droga, pag may nagbebenta ng droga at iba pa. Ngunit, alam ba natin na kung may dalang mabuting epekto ito, may dalang masamang epekto din ito? Alam ba natin yon? Oo, syempre dahil ito ang nangunguna sa listahan ng problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon. Siguro di lang sa ating bansa kundi sa buong mundo din sguro.
Droga ang nagsisilbing tulay upang ang isang tao ay makapaglakbay sa kawalan, dahil sa oras na gumamit ka nito, mawawala lahat ng sakit, mawawala lahat ng problema, mawawala lahat ng dinaramdam at iba pa. Binabago nito ang daloy o takbo ng isip ng tao. Binubura nito lahat ng gustong mabura o mawala sa buhay nating punk ng pait, kasakiman, kamalasan at iba pa. Kung baga ito ay "Pain Reliver" ika nga. Hinihilom o binabawasan nito ang sugat o sakit na nararamdaman. May masamang epekto man to, o wala, masama parin ito. Masamang epekto na di mapapantayan ng kung anong sama. Kahit anong pilit mong makawala sa kadiliman kapag gumamit kana nito ay hindi mo na magagawa pa, dahil kinulong ka na sa sarili mong ilusyon at imahinasyon. Ilusyon tulad ng gusto mong makuha, ang mga bagay na yan, mga taong ganyan, at iba pa. Imahinasyon tulad ng, gusto mong makalimut sa lahat mong problema, at nag-iisip ka ng kung anong bagay para makalimot at makawala mula sa pagkakagapos ng mga problema na hatid ng mundong ito. Masamang epekto na, makapagbibigay o magtataglay ka ng walang humpay na gising, kumbaga di ka aantokin hangga't kailan mo gusto. Kung ramdam mo, bumababa na ang tama, gagamit ka lang ulit ng droga at babalik na ulit sa dati. Magiging "Wild and Free" kana ulit. "Tama", ang tawag sa mga taong gumagamit ng droga na parang nawawala na sa sarili. Sabi daw nila, oras na gumamit ka nito ay mahirap ng pakawalan pa. "Once tasted, always wanted" ika nga. Kaya di mo na mababawi ang mga masamang epekto na naranasan mo dahil nakaukit o nakatatak na yan sa katawan mo. Sa huli, magbago ang susi upang sa huli, Di Tayo Magsisi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento